Advertisers

Advertisers

MIYEMBRO NG SPUTNIK GANG, HULI SA SUMPAK AT SHABU SA PASAY

0 60

Advertisers

BALIK himas sa rehas na bakal ang isang kasapi ng Sputnik Gang nang arestuhin ng mga tauhan ng Sub-Station 8 ( Airport ) Pasay CPS makaraang mahulihan ng homemade gun o ‘sumpak’ habang nagsagawa ng pagpapatrulya sa isang madilim na lugar ng Barangay 194, Pasay City noong Sabado, Setyembre 5,2026.

Nakilala ng pulisya ang suspek na si Chris Ortez y Bernal, alias ‘Boy Sumpak”, tubong Montalban Rizal, single, jobless, at nakatira sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City .

Sa ulat, ang insidente ay naganap bandang 11:50 ng gabi sa kahabaan ng NAIA Avenue malapit sa Botchok Junkshop, Barangay 194, Pasay City.

Ang mga tauhan ng Sub-station 8 (Airport) Pasay CPS na sina PMSg Ryan C Tongtongdan at Pat Wayle Charl Francis Omayan , kasama sina Task Force Multiplier Anti Crime (TFMAC ) Chief Eva Tulagan, Vanie Cañete, Angelo Mortel, Mark Lawrence Gonzales at Ronald Prades ay nagsasagawa ng pagpapatrolya gamit ang motorsiklo sa NAIA Avenue,nang makita nila ang isang (1) lalaking kahina-hinalang nakatayo sa isang madilim na lugar malapit sa Botchok Junkshop.

Bumaba ang mga pulis mula sa kanilang motorsiklo at nilapitan ang nasabing indibidwal para sa beripikasyon at pagkakakilanlan. Sa pagkakataong iyon, napansin ni Pat Omayan ang isang bagay na nakaipit at nakaumbok sa baywang ng huli.

Nang lumapit ang mga pulis, sadyang itinulak ng suspek si Pat Omayan palayo at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon ng Cut-Cut Bridge.

Nagkaroon ng maikling habulan hanggang sa mapadpad ang suspek sa katabing kalye ng mga humahabol na pulis.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang (1) improvised na baril (Sumpak) at isang piraso ng kalibre .38 na bala na nakasukbit sa kaliwang baywang.

Bilang bahagi ng standard operating procedure, nagsagawa si Pat Omayan ng masusing body search sa naarestong suspek, kung saan isang (1) maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristal na substansiya na pinaghihinalaang shabu ang narekober mula sa kanang bulsa ng suspek.

Ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Sub-station 8 (Airport) para sa dokumentasyon at sasailalim din sa inquest proceedings. (JOJO SADIWA)