Advertisers

Advertisers

PNP NANGAMBA PAG- ARESTO KAY VP SARA

0 3

Advertisers

NANGAMBA ang mga awtoridad na baka manuntok si Vice President Sara Duterte sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanya, ayon kay Interior Sec. Jonvic Remulla.
Sa isang press conference nitong Lunes, sinabi ni Remulla na hindi sila nangangamba sa anumang kilos-protesta kaugnay ng pag-aresto kay Duterte.
“We were more worried baka manuntok siya ng nagse-serve ng warrant. Kasi nangyari na dati ‘yun sa Davao na may nagse-serve ng warrant sa isang community, bumaba siya, sinuntok niya ‘yung sheriff na nagse-serve ng warrant. So we didn’t want that to happen,” ani Remulla. “She has a predilection to violence and she has a predilection to extreme efforts to get her way. Ayoko naman may masuntok kaming CIDG ng Vice President, di ba.”
Sinabi rin ni Remulla na trinato ang Bise Presidente ng may paggalang at ibigay ang kinakailangang kortesiya sa pagpapatupad ng warrant.
“We treated her with all the respect, with all the necessary courtesy,” ani Remulla.
Noong Sabado, Sept. 5, 2026, naglagak si Duterte ng piyansa sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng tatlong bilang ng kasong grave threats.
May kinalaman ito sa kanyang pahayag noong 2024 na may kinausap siyang tao upang paslangin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at da-ting Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.