Advertisers

Advertisers

TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid namahagi ng relief goods sa Baguio City

0 23

Advertisers

NAMAHAGI ng relief goods si Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid sa mga residente ng Baguio City nitong Lunes.

Kasama si Baguio City Mayor Benjie Magalong, pinangunahan ni Lapid ang pamamahagi ng ayuda sa Baguio City Hall na umabot sa tinatayang 500 benepisyaryo.

Bahagi ito ng Lingkod Lapid Caravan, isang programa ng kanilang pamilya para makatulong sa mga nangangailangang kababayan.

Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang mga persons with disabilities o PWDs, mga pony boy o horse handlers at horseback riding tour guides, barangay tanod, massage therapists at mga vendor.

Ayon kay Lapid, siya ang naatasan ng kanilang pamilya na tumulong sa mga kababayan sa Benguet habang abala naman ang kanyang ama na si Senator Lito Lapid sa pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Pampanga.

Sabi ni Mark Lapid, mahalaga para sa kanilang pamilya na patuloy na makapaghatid ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Dumalo rin sa isinagawang pamamahagi sina Baguio City Councilor John Ray Mananeng, Cordillera Administrative Region Department of Social Welfare and Development Chief Enrique Gascon Jr., at City Social Welfare and Development Officer Liza Bulayungan.