Advertisers

Advertisers

Epektibong programa ni Gen. Silvio sa QC, sa Bicol region naman

0 6

Advertisers

Hindi na baguhan sa paghahatid ng mabilis at matagumpay na operasyon si Police Brigadier General Randy Glenn Silvio. Nang italaga si PBrig Gen Randy Silvio bilang Regional Director ng Police Regional Office 5 (PRO 5), maraming nag-isip kung kakayanin ba niya ang kakaibang hamon ng peace and order sa rehiyon ng Bicol. Ngunit kung susuriin, hinog na hinog na ang opisyal para sa tungkuling ito.

Sa kaalaman ng lahat, bilang mamamahayag na nakatalaga Quezon City upang umulat patungkol sa Quezon City Police District (QCPD) , nasaksihan natin ang pamumuno ni Silvio sa pulisya – epektibo ang lahat ng programang ipinatupad niya sa lungsod. Isa sa mga patunay na magandang ang naging pamumuno ni Silvio sa QC police force ay ang pagbawi sa korona ng QCPD bilang BEST POLICE DISTRICT sa National Capital Region. Kaya naniniwala naman tayo na handang handa na ang bagong Regional Director na kaharapin ang mga panibagong hamon sa kanya.

At heto nga, dala-dala ni Silvio sa PRO 5 ang mga subok at epektibong programa mula sa kanyang matagumpay na pamumuno sa QCPD. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na sa ilalim ng kanyang panunungkulan, kinilala ang QCPD bilang Best Police District sa buong Metro Manila noong Enero 29, 2026. Pinarangalan ang distrito sa selebrasyon ng Founding Anniversary ng Philippine National Police (PNP). Ang pagkilalang ito ay bunga ng kanyang walang-kompromisong kampanya laban sa kriminalidad at ang matapang niyang paglinis sa hanay ng pulisya laban sa mga tinaguriang police scalawags.

Isa sa mga estratehiyang nagpababa ng krimen sa Lungsod Quezon ay ang pagpapatupad ng “Warrant Day” — isang nakapokus at sabay-sabay na pagtugis sa mga may utang sa batas. Ngayong nadala na niya ang kaparehong programa sa Bicol, agad na naramdaman ang epekto nito.

Sa kauna-unahang “Warrant Day Operation” ng PRO 5 noong Setyembre 4, 2026, pumalo agad sa 96 na wanted persons ang nadakip sa loob lamang ng 24 oras. Kabilang dito ang mga itinuturing na Regional at Provincial Most Wanted Persons, pati na ang isang suspek na mahigit 23 taon nang nagtatago sa batas.

Ang tagumpay na ito ay napakalinaw na mensahe sa mga wanted na hindi kailanman magiging paraiso ng mga kriminal ang Bicol Region.

Sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ganitong mga inisyatibo alinsunod sa PNP Focused Agenda at Enhanced Managing Police Operations (EMPO) sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr., ipinapakita lamang ni Silvio na ang tagumpay sa Metro Manila ay bunga ng isang sistema na kayang maghatid ng tunay na katahimikan saanmang panig ng bansa.