Advertisers

Advertisers

Saan kukunin ang 16 votes kung 9 senators absent?

0 5

Advertisers

NABULABOG ang Senate Impeachment Court nitong Martes ng umaga nang buksan ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang tungkol sa kailangang 16 boto para ma-convict ang subject ng impeachment na si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Iginiit ni Erwin na paano kung absent ang siyam na Senator-Judge pagdating ng araw ng botohan kung ‘guilty’ or ‘not guilty’ si Sara.
Nakasaad kasi sa Saligang Batas ng Pilipinas na kailangan ang 16 boto mula sa 24 Senator-Judges para ma-impeach ang isang impeachable official tulad ni Sara.
Pero sa kasalukuyang kalagayan ng Senado, apat na Senador agad ang wala at ang ilan ay hindi nakapanumpa nang simulan ang impeachment trial laban kay Sara.
Sina Senador Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta ay nakakulong sa Plunder.
Si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay nagtatago dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Si Sen. Loren Legarda ay naka-medical leave, nagpapagamot kuno sa France kasama ang anak na si Congressman Leandro Leviste. Ang mag-inang ito ay nahaharap sa kasong Plunder  kaugnay ng Solar controversy. May balitang nag-aaplay ng asylum sa France ang mag-ina. Kung totoo ito, isinusuko na ni Legarda ang kanyang Philippine citizenship at mawawala na ang kanyang karapatan sa gobierno ng Pilipinas.
Si Sen. Alan Peter Cayetano ay malamang maharap din sa dalawang Plunder cases, tungkol sa katiwalian sa kanyang mga proyekto sa Taguig City at ang anomalya sa 2019 SEA Games. Ang charges na ito ay hinihimay na ng Ombudsman at Department of Justice (DoJ), ayon sa pagkakasunod.
May apat na senador pa ang iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman sa kasong Plunder.
Kaya may malaking punto si Sen. Erwin sa kanyang ni-raise na isyu. Paano nga naman kung siyam na Senator-Judges ang absent o wala sa araw ng paghuhukom laban kay Sara dahil nakakulong ang mga ito sa isang non-bailable case, paano pa makukuha ang kailangang 16 boto para ma-convict si Sara?
Kailangan ang ruling dito ng Korte Suprema. Mismo!
***
Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang 8-division world boxing champion na si Manny Pacquiao bilang hepe ng anti-poverty commission.
Good choice!
Si Pacquiao ay nakakaintindi ng buhay-mahirap dahil dito siya nanggaling bago naging bilyonaryo sa boxing.
Malaki ang matitutulong ni Pacquiao sa gobierno sa pag-angat sa kabuhayan ng mahihrap.
Goodluck, Champ!
***
Sa pag-aresto kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng P7.4 billion Plunder case, asahang marami pang “big fish” ang mapapakulong ni Omudsman  “Boying” Remulla.
Dito rin napatunayan na walang kamag-anak o kaibigan kay Pangulong BBM pagdating sa korapsyon.
Take note: Pinsang buo ni PBBM si Martin. Magkapatid ang ina ni Bongbong at ang ama ni Martin.
Good job, Ombudsman Boying!!!