Advertisers

Advertisers

Atty. Paolo Panelo itinalagang bagong spokesperson ni VP Sara

0 5

Advertisers

PORMAL nang inihayag ng Office of the Vice President (OVP) ang pagkakatalaga kay Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. bilang opisyal na bagong tagapagsalita ni Bise Presidente Sara Duterte.

Ayon sa tanggapan, si Panelo ang mangangasiwa sa pagpapahayag ng mga opisyal na pananaw at posisyon ng Bise Presidente, pati na rin sa pakikipag-ugnayan sa media at publiko hinggil sa mga mahahalagang isyu.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi na si Panelo bilang isa sa mga pangunahing legal counsel ni VP Sara, kung saan hinawakan niya ang mga sensitibong kaso at legal na depensa nito sa gitna ng mga hamon sa pulitika.



Si Panelo ay managing partner ng Panelo Law Office na may malawak na karanasan sa complex litigation, corporate law, at taxation, at nakilala rin bilang finalist sa mga parangal tulad ng Dispute Resolution Lawyer of the Year.

Bagamat siya ay anak ni dating Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nag-ukit na rin siya ng sariling identity sa law practice.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">