Advertisers

Advertisers

Shira Tweg, thankful kay Direk Louie Ignacio at co-stars sa pelikulang “Mantsa”

0 2

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ng young actress na si Shira Tweg na ang kanilang upcoming movie titled “Mantsa” ay isang psychological suspense drama. Ito ay pinamahalaan ng award-winning direktor na si Louie Ignacio.

Hindi nga maitago ni Shira ang excitement sa nabanggit na pelikula dahil kasama niya rito ang mga beteranong artista.

Aminado rin siyang kinabahan nang unang nalaman ang gagampanang role rito.

Aniya, “When I first read about my role, parang kinabahan po ako. Kasi, it’s a challenging role and it’s something na hindi ko in-expect na gagawin ko. Kasi, I was doubting myself… na, kaya ko ba, magagawa ko ba?

“But thankfully, sa lahat ng co-stars ko at kay Direk Louie po, they really helped me. Of course yung mga co-actor mo, they gonna help you, hindi naman puwedeng kanya-kanya.

“So, they really helped me throughout the whole scene. Especially kay Tita Gelli at Tita Pilar, hindi po nila ako pinabayaan sa set. They really gave me advises, they really made me feel na I’m home na parang comfortable lahat, that everything is okay.”

Bukod kay Shira, tampok sa pelikula sina Ms. Pilar Pilapil, Gelli de Belen, at Khai Flores.

Si Shira ay 19 years old at gagampanan niya rito ang papel na Regina.

Inusisa namin siya kung anong aral ang mapupulot sa kanilang pelikulang ito?

Esplika niya, “Iyong mental health awareness po ang number-one talagang aral na mapupulot dito. It’s a psychological thriller po and it’s all about family rin po kasi.

“Specially ngayon, this generation, super-duper big deal ang mental health nowadays. Na, we should really watched out, na hindi rin natin dapat na binabalewala lang ito.”

Dagdag pa ni Shira, “Kasi, ang dami ring nangyayari… Kasi, mental health is such a really big impact sa brain, like, grabe talaga ang mga nangyayari ngayon.

“Kaya what I can say is, always have someone to talk to, always be with someone if ever you are struggling and everything.”

Kasama rin sa Mantsa sina Janice de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Bo Bautista, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto, Miles Poblete, at iba pa.

Hatid ng Dragon Talent Management ng mga producer na sina Bambbi Fuentes at Tine Areola, co-producer sa movie si Mr. Ric Valenzuela.

Mapapanood na ang Mantsa sa mga sinehan simula sa October 7.