Advertisers

Advertisers

LOVI POE MAY DAHILAN KAYA TAHIMIK TUNGKOL KAY FPJ

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

IPINALIWANAG ni Lovi Poe kung bakit bihira niyang pag-usapan sa publiko ang kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr. o mas kilala bilang FPJ.

Sa panayam niya kay Boy Abunda, sinabi ni Lovi na may dahilan ang kanyang pananahimik tungkol sa kanilang pamilya.

Ayon sa aktres, hindi naging malaking bagay sa kanilang tahanan ang pagiging sikat ng kanyang ama. Bata pa lamang siya ay alam na niyang si FPJ ang kanyang ama, ngunit hindi ito naging espesyal na usapin sa kanilang pamilya.

Gayunman, sinabi ni Lovi na malaki ang respeto at paghanga niya kay FPJ. Mas nakilala umano niya ang kanyang ama sa pamamagitan ng mga kuwento ng mga taong nakatrabaho nito.

Ibinahagi rin ni Lovi ang ilang kuwento tungkol sa kabaitan ni FPJ, kabilang ang mga narinig niya mula sa ibang artista.

Para kay Lovi, mahalaga ang magandang pangalan at legacy na iniwan ng kanyang ama sa industriya ng pelikula.

Gayunman, pinili niyang maging tahimik tungkol sa kanilang personal na buhay upang mapanatili ang privacy ng kanilang pamilya.

Samantala, sinabi rin ni Lovi na maayos ang komunikasyon nila ng kanyang half-sister na si Grace Poe.