Advertisers
NALAGPASAN ng San Beda University ang University of the East, 25-17, 21-25, 21-25, 25-22, 20-18, noong Miyerkules para makuha ang kanilang pangalawang panalo sa V-League Collegiate Challenge sa Gameville Central Park sa Mandaluyong City.
Pinangunahan ni Khim Culanay, ang NCAA Season 101 Volleyball Fiesta 1st Best Middle Blocker, ang Lady Red Spikers na may 22 puntos mula sa walong atake, 13 blocks at isang ace.
Nag-ambag si Rochelle Olaguir ng 18 puntos at 11 digs, si Daisy Cagas naman ay may 15 puntos habang si Angel Habacon ay nakapuntos ng pito kasama ang 15 na receptions.
Ang San Beda, na umangat sa 2-2, ay susunod na haharapin ang De La Salle-College of Saint Benilde sa Setyembre 12.
“The team’s potential was evident, as well as the individual adjustments needed to make the team stronger,”wika ni San Beda head coach Kungfu Reyes.
Ang mga bagong salta na sina Rookies Djulianne Goze at Janessa Buhay ay nakapuntos ng tig-18 habang ang libero na si Angge Reyes ay may 32 digs at 26 receptions para sa Lady Warriors.
Ang rookie setter na si Cheska Peñol ay nasaktan sa kanang bukung-bukong matapos matapakan ang paa ni Paula Palma kasunod ng pag-atake nito.
Makikipagbakbakan ang UE vs. University of Perpetual Help System DALTA sa Sept 13.