Advertisers
Advertisers
Advertisers
LUMIPAD na patungong Singapore ang magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano. Singapore ang kanilang unang destinasyon. Posible lumipat pa sila sa ibang bansa.
Nauna nang lumipad pa-Singapore ang misis ni Alan na si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Hindi naman sila maarting piguilan dahil wala namang hold departure order laban sa kanila.
Ang mag-asawang Cayetano ay iniimbestigahan sa umano’y mga katiwalian sa proyekto sa Taguig City.
Iniimbestigahan din si Alan sa umano’y katiwalian sa pondo ng 2019 SEA Games.
Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Office of the Ombudsman at Department of Justice sa sinasabing mga katiwalian ng Cayetanos sa Taguig City, at ang National Bureau of Investigation (NBI) naman ang nagsampa ng kaso kaugnay ng 2019 SEA Games scandal.
Naramdaman na marahil ng Cayetanos na susunod na sila kina Sen. Rodante Marcoleta, Sen. Jinggoy Estrada, at Congressman Martin Romualdez na naghihimas na ng bakal dahil sa kasong pandarambong.
Pero may mas naunang “tumakas” sa Pilipinas sa Cayetanos, ang mag-inang Sen. Loren Legarda at Congressman Leandro Leviste na kapwa naman iniimbestigahan sa multi-billion Solar scandal. Sinasabing nasa France ang mag-ina, nag-aaplay daw ng asylum.
Ang Pilipinas ay walang extradition sa France. Kaya kung maisyuhan man ng arrest warrant ang mag-ina, hindi sila basta maibabalik sa bansa.
Ang wanted na si ex-Congressman Zaldy Co ay sa France rin daw nagtatago.
Dito ako bilib sa Marcos Jr. administration. Talagang seyoso si PBBM na ipakulong ang mga buwaya sa bansa. Pati nga ang kanyang pinsang buo na si ex-House Speaker Martin Romualdez ay hinayaan niyang ipakulong ng Ombudsman.
Naniniwala ako na marami pang malalaking buwaya ang makukulong sa Marcos Jr. admin.
Mabuhay ka, PBBM!
***
Si ex-President Digong Duterte, na ipinangalandakan noon na uubusin ang mga korap, ay wala ni isang mang napakulong na tulisan. Sa halip, prinotektahan nya pa!
Ang tanging ipinakulong noon ni Digong ay ang numero unong kritiko niya na si noo’y Senador Leila de Lima.
Tinangka rin ni Digong noon na ibalik sa kulungan si ex-Sen. Antonio Trillanes pero nabigo siya. Sa halip siya ang napakulong ni Trillanes sa international court pa sa Netherlands, pagkatapos ng kanyang termino. Hehehe…
Halos lahat ng tulisan noon ay hindi ginalaw ni Digong, pati ang mga Chinese drug lord ay kanya pang ginawang opisyal at labas-pasok sa Malakanyang.
Ang mga tinigok lang noon ni Digong ay ang mga pipitsuging adik at tulak sa kalye. Pero ang mga sindikato ng droga ay protektado niya at kaibigan ng kanyang mga anak.
Nabudol tayo ni Digong sa kanyang anti-corruption at anti-drugs campaign kuno. Sila pala ang sindikato. Animal!!!
Kahit dito sa anak niyang Vice President Sara Duterte, lumilitaw sa ongoing impeachment trial na talagang ibinulsa lang nila ang kanilang multi-million confidential funds.
Dapat talaga ma-impeach si Sara. Perwisyo sila sa kaban ng bayan. Mismo!