Advertisers

Advertisers

PBBM: Pilipinas, target gawing investment destination

0 2

Advertisers

TARGET ng Pilipinas na maging pangunahing lugar para sa negosyo at manufacturing.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2026 Luzon Economic Corridor Investment Forum sa Taguig City.

Ayon kay PBBM, naghahanap ngayon ang mga negosyo ng mga bansang ligtas at maaasahan para sa pangmatagalang pamumuhunan.



Kabilang sa mga puhunan ng Pilipinas ang malaking domestic market, batang workforce at magandang ugnayan sa ibang bansa.

Patuloy din aniya ang pagpapahusay sa transportasyon, enerhiya at digital infrastructure para suportahan ang mga negosyo.



Nag-uugnay ang Luzon Economic Corridor sa Subic, Clark, Manila at Batangas at tinatayang kumakatawan sa kalahati ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">