Advertisers

Advertisers

PNP: 91 sa 117 armas ni Sen. Bato ‘di pa nakikita

0 2

Advertisers

INIULAT ng Philippine National Police (PNP) na nasa 26 na ang mga baril na isinuko na konektado kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, matapos bawiin ng PNP ang kaniyang gun license at mga firearm registration.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief Col. Allen Rae Co, 20 armas ang isinuko sa Davao habang anim naman ang na-turn over sa Region 4, kaya umabot na sa 26 ang nasa kustodiya ng pulisya.

Gayunman, 91 sa kabuuang 117 firearms na nakarehistro sa pangalan ni dela Rosa ang hindi pa na-account.



Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang PNP firearms and Explosives Office (FEO) sa pamilya ng Senador para sa pagsuko ng mga natitirang armas, at maaari ring magsagawa ng legal na police action para mabawi ang mga Ito.

Patuloy din ang operasyon ng PNP para hanapin si Dela Rosa at ipatupad ang arrest warrant laban sa kaniya.



Hindi ibinunyag ng pulisya ang kaniyang huling kinaroroonan dahil maaari umano nitong malagay sa panganib ang operasyon.

Ayon sa pinakahuling impormasyon ng PNP, nananatili pa rin sa Pilipinas ang Senador.



Si Dela Rosa ay hinahanap kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa umano’y crimes against humanity na may kaugnayan sa drug war noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.