Advertisers

Advertisers

VP Sara pwedeng ipabawi mga security detail, kung wala siyang tiwala – DND Sec. Teodoro

0 3

Advertisers

PWEDE umanong hilingin ni Vice President Sara Duterte ang opisyal na pagbawi sa kanyang security detail kung mayroon siyang mga pangamba o kawalan ng tiwala sa mga tauhang nakatalaga para sa kanyang proteksyon.

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. kaugnay ng usapin sa seguridad ng Pangalawang Pangulo.

Ani Teodoro, kung sa tingin ni Duterte ay hindi na ligtas o nararapat ang kasalukuyang mga personnel na nagbabantay sa kanya, may karapatan siyang hilingin ang pagpapatanggal o pagpapalit sa mga ito.



Gawa ng pampublikong posisyon ng Bise Presidente, nakatatanggap ito ng seguridad mula sa mga uniformed personnel, ngunit binigyang-diin ng kalihim na mahalagang may buong tiwala ang pinoprotektahang opisyal sa kanyang mga security escorts upang maging epektibo ang kanilang pagbabantay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">