Advertisers

Advertisers

Alden Richards, Sasalang sa “Gandang Gabi Vice” sa Pagbabalik ng Programa

0 4

Advertisers

Ni Camille Guarin

Nagbabalik na ang pinakamagandang bisyo ng mga manonood tuwing Linggo ng gabi dahil simula Setyembre 13 (Linggo), masasaksihan muli ang pagpapatawa at hatid na good vibes ng Phenomenal Unkabogable Superstar na si Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice” sa GMA at iWant.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sasalang sa “GGV” ang Kapuso actor at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagbabalik ng programa. May bago ring makakasama si Vice sa kulitan tuwing Linggo: ang Geng Gang nina Vince Maristela, Divine Tetay, at Verna.

Excited din si Vice na magbubukas ang tahanan ng “GGV” hindi lamang para sa Kapamilya celebrities, kundi pati na rin sa kinagigiliwang Kapuso stars.

Aniya, “Ang pinaka nakaka-excite ay ‘yong Kapuso stars na gusto kong interviewhin at makasama sa show ko ay posibleng-posible na. Marami rin akong nakausap na GMA stars na gusto rin nilang magkaroon ng ‘GGV’ experience. Mangyayari na talaga.”

Mapapanood ang bagong episodes ng “Gandang Gabi Vice” tuwing Linggo, 10 PM sa GMA at mapapanood nang libre ang TV episode sa iWant (para lamang sa mga Philippine user).