Advertisers
MARIING nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. lamang ang mayroon ‘immunity from suit’ o eksempsyon sa pagsasampa ng kaso.
Ayon kay DOJ Secretary Fredderick Vida, tanging ang pangulo ng bansa ang saklaw nito at hindi kabilang ang bise presidente ng Pilipinas.
Nananatili aniya ang paninindigan ng DOJ kung saan kanya pang binigyang diin na alinsunod na rin sa batas ay walang ‘immunity from suit’ ang ikalawang pangulo.
Kaugnay sa isyu ng ‘immunity from suit’ ng isang ‘impeachable officer’, ibinahagi ng kalihim na idinulog ito ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema.
Ani Vida, mayroon nakabinbin petisyon ang bise presidente sa Kataas-taasang Hukuman patungkol dito ngunit iginiit na paninindigan pa rin nila ang naunang posisyon.