Advertisers

Advertisers

VP Sara binira uli si PBBM sa publiko: ‘MARCOS PAHIRAP SA BAYAN, ABUSADO, SINUNGALING!’

0 4

Advertisers

MULING binatikos ni Vice President Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagharap sa mga tagasuporta sa Quezon City Justice Hall nitong Biyernes ng umaga.

Ito ay matapos ipagpaliban ang kanyang arraignment o pagbasa ng sakdal sa Quezon City Regional Trial Court sa kasong grave threats dahil sa mga nakabinbin pang mosyon ng kanyang kampo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng bise presidente na hindi niya kayang umalis o manahimik habang nakikita umano niya ang paghihirap ng mga Pilipino at ng kanilang mga pamilya.



“Kaya ako nandito kasi nahihiya ako sa inyo. ’Di ko magawang tumahimik lamang dahil nakikita ko kayong lumalangoy sa baha,” ani VP Sara, sabay banat kay Marcos na “wala siyang hiya.”

Matapos nito, direkta namang binatikos ni Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at inakusahan itong sinungaling at abusado, habang inakusahan din niya ang Pangulo ng pagiging “adik” at “korap.”.



Iginiit din ng bise presidente na wala umanong utang na loob ang Pangulo sa mga Pilipinong naghalal sa kanya at dapat na raw itong magbitiw sa pwesto.

“Sinungaling ka, abusado ka, wala siyang utang na loob sa taumbayan. Wala siyang utang na loob sa lahat ng pumunta ng presinto para iluklok siya sa pwesto. Wala siyang hiya. Ganoon talaga kapag adik. Hindi na dumadaan sa realidad ang pag-iisip. Patuloy tayong makipaglaban sa mga abusado, sa mga adik, at sa mga korap,” dagdag pa ni Duterte.



Kasunod ng kanyang mga batikos, hinimok ni Duterte ang kanyang mga tagasuporta na ipagpatuloy ang kanilang laban laban sa mga taong, ayon sa kanya, sangkot sa katiwalian at iba pang isyu.

Samantala, patuloy pa ring nasa gitna ang pangalawang pangulo sa legal na proseso sa kanyang kinakaharap na kaso.