Advertisers

Advertisers

Panganib ng dengue, leptospirosis sa ilang bahagi ng bansa tumataas

0 6

Advertisers

TUMATAAS ang panganib ng dengue at leptospirosis sa ilang bahagi ng bansa dahil sa pabago-bagong kondisyon ng panahon, partikular ang pagsabay ng init, mataas na humidity, pag-ulan at pagbaha.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni infectious disease expert Dr. Nimfa Putong na karaniwang tumataas ang kaso ng dalawang sakit tuwing tag-ulan.

Ayon kay Putong, mataas ang kaso ng dengue sa ilang bahagi ng Visayas, partikular sa Western at Central Visayas, gayundin sa ilang lugar sa Bicol.



Samantala, mas mataas naman ang kaso ng leptospirosis sa Luzon, kabilang ang Regions I hanggang IV, CAR at Metro Manila.

Dahil dito, hinimok ni Putong ang publiko na maging mas mapagmatyag at paigtingin ang mga hakbang para maiwasan ang dalawang sakit. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">