Advertisers

Advertisers

Arraignment ni VP Sara sa QC Court ipinagpaliban

0 6

Advertisers

IPINAGPALIBAN ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang arraignment sa kasong ‘grave threat’ ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang kinumpirma ng abogado ng kampo ni VP Sara Duterte nitong Biernes, Set. 11, 2026.

Ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni Duterte, pumayag ang korte sa kanilang hiling na ipagpaliban ang pagdinig sa kaso ni VP Sara. Habang pinag-aaralan pa ng korte ang motion na inihain ng kanilang kampo.



Gayunman, tumanggi si Lim na isapubliko ang nakasaad sa mosyon dahil sa sensitibo ang usapin at bilang ‘pagrespeto narin sa korte..

“Hindi muna matutuloy ‘yung arraignment, so suspended muna. So ‘yun lang po ang masasabi ko,” pahayag ni Lim.



“Hindi ko masasabi po ‘yung nature ng motion. Pero kabilang na doon sa mga hinihingi namin ‘yung ipagpaliban muna or i-defer ‘yung kanyang arraignment habang pinag-aaralan ng huwes ‘yung motion. So pinagbigyan naman niya ‘yung pag-defer,” dagdag ni Lim.

Samantala, sinabi ng Department of Justice na iginagalang nila ang desisyon ng korte.



Ang DOJ ang naghain ng reklamo laban kay Duterte.

“We will allow the judicial process to take its course. At this point, the prosecution will reserve further comment until the motion has been resolved,” pahayag ng DOJ.

Kasama ni Duterte na nagtungo sa Quezon City Hall of Justice ang kapatid na si Rep. Paolo Duterte.

Dumagsa naman ang mga tagasuporta ni VP sa QC Court upang magbi-gay suporta sa Bise Presidente. (Boy Celario)