Advertisers

Advertisers

Celebrity Pretty Lawyer Atty. Maggie Abraham Garduque, Guest Ni Sen. Chiz Escudero Sa Kanyang Podcast; Pitong Miyembro Ng TALA May Ibubuga Sa Pag-arte

0 4

Advertisers

Ni Peter Ledesma



Few months ago ay, naging special guest ang pretty at famous celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham-Garduque sa “Magpakailanman” Ni Mel Tiangco. At one on one ang ginawang interview ni Tita Mel, kay Atty. Maggie na may kinalaman sa featured story ng hino-host nitong MPK. Kumbaga humingi ng legal advice si Tita Mel sa nasabing abogada.
At kapag si Atty. Maggie, ang legal council ng artista, beauty queen, at iba pa. Siguradong laman ng news program si Atty. Maggie at ng celebrity nagsampa ng kaso o sinampahan ng case.
At recently lang ay inimbitahan naman ng Senador at Presiding officer na si Chiz Escudero sa kanyang Podcast na “CHIZ WIZ: Usapang May Laman” si Atty. Maggie. At sa naturang podcast ay napag-usapan ang tungkol sa hiwalayan at divorce at divorce vs. annullment bakit napakamahal? At maayos siyempre itong naipaliwanag at nabigyan ng legal na kaalaman at advice ni Atty. Maggie si Sen. Chiz at mga viewers ng Podcast nito. Yes napaka-intelihenteng abogada ang friend naming lawyer.

***



Walang itulak kabigin pagdating sa aktingan ang TALA Group ni DJ Alvin. Lahat ng 7 members ng little Girl group ay nakakaarte sa pelikula ni Direk Mark Agcaoili na “Tumbang Preso” na nagkaroon ng Special Premiere sa Fisher Mall Cinema. At nabigyan talaga ng bawat isa ng justice ang kanilang mga role mahihirap na bata at nagtitinda ng sampaguita at hawak sila rito ng malaking sindikato. At nagampanan rin ng maayos ni Tala Elyza ang kanyang role na anak mayaman na tumutulong sa kapwa niya mga bata na hirap sa buhay.

Marami silang pinaiyak at infairness puno ang buong sinehan. Aba’y sa ipinakitang performance ng alagang grupo ni DJ Alvin ay pwede na silang bumidang lahat sa isang pelikula. Pero syempre mas priority ng TALA, ang mag-perform kung saan in demand sila sa kaliwa’t-kanang show. At pinatutunayan ng grupo na sa husay nila sa pagkanta at pagsayaw na kuhang-kuha ang dance moves ng idol nilang BINI Group. Sila nga ang binansagang Little BINI. Isa pala ang TALA sa special guests ng alaga naming si Rozz Daniels, sa kanyang Christmas Mall tour 2026.