Advertisers
WALANG Justine Brownlee, alaws Scottie Thompson, Dwight Ramos, Kevin Quiambao, graduate na si Junemar Fajardo, Japeth Aguilar at ang bida sa lahat na si KAI SOTTO, si JGL at mga lisensyadong asintado ng Gilas Pilipinas.
Paano haharapin ng bagong buong koponan ang ngitngit ng mga Intsik na tinalo ng Pinoy5 sa nakaraang Hangzhou Asiad tungo sa kampeonato at pagiging defending champion ngayong Aichi-Nagoya Asian Games 2026 men’s basketball sa Japan?
Napakasakit ng dinanas na pagkatalo sa semis ng mga Chinese squad sa kanila mismong teritoryo sa Hangzhou particular kay Brownlee na nagbaon ng killer dagger 3’s sa krusyal na sandali ng kanilang semis knockout match.
Kaya ngayon, pagkskataon na ng mga Tsekwa na rumesbak vs Gilas Pilipinas at tiyak na pinaghandaan ito ng Asia’s powerhouse China.
Ang tanong ay kung gaano kahanda ang bagong komposisyon ng Gilas na halos FilAms na binuo ng overnight lamang?
Isang masamang senyales ay ang pagkatalo ng Gilas kontra lowly Bahrain noong unang asignatura at kahit na tinambakan ng ‘Pinas ang Kazakhstan kamakalawa ay sa tingin ng Uppercut ay kulang ang kanila puwersa vs China na handang gumanti sa kanilang tormentor na Gilas 5, may baon pa ba silang milagro? ABANGAN!
***
MALASAKIT NI BONG GO SA MGA KABALEN!
HALOS dalawang linggong binaha ang ating nga Kabalen sa Central Luzon bunga ng mapaminsalang habagat.
Kinailangan nila ang agarang tulong kaya aksyon agad ang ating magiting na Senador Bong Go na walang alinlangang lumusong sa tubig-baha para mamahagi ng agarang tulong ng buong PUSO sa mga apektado ng delubyo.
Habang ang mga ilang halal ng bayan ay abala sa pamumulitika tulad ng impeachment na malayo sa bituka ng Pilipino ay busy naman si SBG sa kanyang MALASAKIT sa kabayang Pilipino.
Pure HEART at walang halong pulitika ang pagtulong niya sa abot ng makakaya.
Of course hanggang sa ating balwarte sa La Paz, Tarlac ay may parating na tulong mula kay SBG. Abangan!
Ang Gilas Team ng Uppercut ay magsasagawa ng feeding program, distribution ng libreng gamot, gift-giving ng sports equipment etc. this week.Go, go GO!
Shoutout kay Ms.Deah Ricacho- Mijarez and kudos to LP3,Al Arenas,Ms Kyla and Ms Cha at lahat ng maasahang kawani ng SBG Office. PUGAY sa inyo!
Mabuhay sa ating kabalen diyan sa New Zealand na si Ka Dennis Panes Magcalas( Comillas). May humanitarian group silang tumutulong sa ating mga kababayan sa kanyang kabalware doon at dito. Hats off sa inyo!