Advertisers
ISANG French passenger ang arestado sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 nitong Biyernes, September 11 dahil sa ‘bomb joke.’
Diumano, ang nasabing 58-anyos na pasahero ay patungong Cebu City at nagchecheck-in ng bagahe nang sabihan siya ng airline staff na ilagay ang kanyang backpack sa baggage weighing counter.
Nang tanungin kung ano laman ng kanyang bag, sinabi nito na: “I have gun and a bomb.” Dahil diyan ay agad na nag-report ang airline personnel sa mga awtoridad.
Dumating ang personnel mula sa Philippine National Police-Aviation Security Group, NAIA Police Station 2 at Explosive Ordnance Disposal (EOD) at nagsagawa ng clearing operations.
Matapos niyan, ang bag at area ay idineklarang ‘clear of explosives or incendiary materials.’
Samantala, ang nasabing pasahero ay arestado, inilagay sa kustodiya ng NAIA Police Station 2 at kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1727 o Anti-bomb joke law. (JERRY S. TAN)