Advertisers
HINIMOK ng Philippine National Police (PNP) si Vice President Sara Duterte na maglabas ng ebidensya hinggil sa umano’y pagbabanta sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya simula pa noong 2023.
Pahayag ni PNP spokesperson Colonel Allen Rae Co, dapat magbigay ang bise presidente ng mga detalye tungkol sa mga bantang natatanggap niya para maimbestigahan ito.
Iginiit din ng PNP na hindi nito pagbabantaan si Duterte dahil mandato nitong protektahan hindi lamang ang Pangulo kundi pati na rin ang bise presidente bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Samantala, patuloy ding binabantayan ng pulisya ang mga netizen na nagbabanta laban sa gobyerno sa social media.