Advertisers
NAGHAHANDA na ngayon ang mga public prosecutor na i-cross examine ang mga testigo ng kampo ni Vice President Sara kapag nagsimula na ang depensa sa impeachment trial.
Sinabi ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, magiging mahalagang bahagi ng kanilang trabaho ang cross-examination o pagtatanong sa mga testigong ihaharap ng depensa.
Sa mga unang bahagi ng paglilitis, pangunahing naglahad ng ebidensya ang mga private prosecutor.
Gayunman, sinabi ni Ridon na parehong mananatiling aktibo ang public at private prosecutors sa pagtatanong sa mga testigo ng depensa.
Inaasahang susuriin ng prosecution ang mga pahayag at ebidensyang ihaharap ng kampo ni Duterte laban sa mga alegasyon kaugnay ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, bribery at grave threats.
Bago magsimula ang depensa, kailangan munang tapusin ng prosecution ang natitira nitong mga ebidensya para sa mga Articles of Impeachment.