Advertisers

Advertisers

Denied ang asylum ni Harry Roque, bibitbitin ni Jonvic

0 5

Advertisers

KINUMPIRMA nitong Martes, Sept 15, ni Interior Secretary Jonvic Remulla na binasura ng gobierno ng Austria ang application sa asylum ng dating presidential spokesman ni ex-President Rody Duterte na si Atty. Harry Roque.
Say ni Jonvic, hihintayin nalang niya ang paglabas ng Red Notice ng Interpol para bitbitin pabalik sa Pilipinas si Roque.
Si Roque ay nahaharap sa maraming kasong kriminal sa bansa tulad ng human trafficking kaugnay ng pagkakasangkot niya sa illegal POGO sa Pampanga.
Ang human trafficking ay walang piyansa.
Ito ang bunga ng pagiging balimbing at abusado nang malasing sa kapangyarihan noong termino nila sa Malakanyang.
Karma is real!
***
KINASUHAN ni Representative Perci Cendana ang mahigit 30 DDS vloggers sa paglabag sa Magna Carta of Disabled Persons at Safe Spaces Act.
Ito’y matapos insultuhin ng naturang vllogers ang kanyang nadispormang mukha na bunga ng mild stroke.
Iiyak dito ang DDS vloggers.
Abangan!
***
PUMASA sa 3rd at final reading sa Senado ang panukalang pagpaliban (uli) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at pagpalawig sa limang taon na termino ng mga opisyal.
Hinihintay pa ang counterpart na House of Representatives, kungsaan lumusot ang panukala sa 2nd reading kamakailan.
Pagkatapos nito ay magkaroon ng bicameral conference para sa pagplantsa sa panukala, at iaakyat sa tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.. Mahaba-haba pa itong proseso. Kapos na sa oras.
Actually, nasa mga kamay ni PBBM ang lahat kung ibabasura o itutuloy ang BSKE, na original na nakatakda ng Nobyembre 2 ng taon.
Ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ay magsisimula ngayon, Sept. 16 to 18.
Ang tanong ng marami: Tuloy o postpone?
Si PBBM  ang makakasagot nito.
‘Pag na-postpone uli ang BSKE (sa ikatlong beses), masasayang ang P8 billion na ginastos ng Comelec sa pagpa-imprinta ng mga balota.
Abangan!
***
IPINASOK na sa New Quezon City Jail sa Payatas si dating House Speaker Martin Romualdez.
Hindi katulad ni Vice President Sara Duterte, dumaan sa proseso tulad ng mugshot bago ipasok sa kulungan ang multi-bilyonaryong kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
Si Romualdez, pinsang buo ni Pangulong Marcos Jr., ay nahaharap sa kasong Plunder kaugnay ng multi-billion kickback sa mga flood control projects at iba pa.
Isa nalang ang kailangan mahuli para makumpleto ang mga sangkot sa flood control scandal, si dating Ako Bicol Party-list Zaldy Co na siya dating appropriation chairman.
Si Zaldy Co ay nagtatago raw sa France kungsaan walang extradition treaty ang Pilipinas.