Advertisers
NASAWI ang limang indibidwal habang 14 ang sugatan kaugnay ng mga insidenteng may kinalaman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections nitong Lunes.
Sa kabila nito, iginiit ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson, John Rex Laudiangco, sa programang “Walang Atrasan” ng Abante na isolated incident ito at maituturing na generally peaceful ang botohan.
“Meron pong namatay, lima po ang nasawi at 14 po ang nasugatan. Nakalulungkot po lahat ‘yan. Pero kung titingnan po natin, ‘yan po ay pockets, ‘yan po ay isolated. At pangkalahatan po ay naging generally peaceful, ‘yan po ang observation nila,” saad niya nitong Martes.
Sinabi pa ni Laudiangco na isa sa patunay na naging maayos ang halalan ay ang resulta ng voter turnout.