Advertisers

Advertisers

Sen. Padilla pinasasagot sa reklamong obstruction of justice

0 6

Advertisers

NAGLABAS ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) para kay Sen. Robin Padilla kaugnay ng reklamong obstruction of justice na inihain laban sa kanya

Inatasan ng DOJ si Padilla na magsumite ng kanyang counter-affidavit at mga sumusuportang dokumento, at humarap sa mga piskal sa Setyembre 25 at Oktubre 9, 2026.

Nag-ugat ito sa umano’y pagkakasangkot ni Padilla sa pag-alis ni Sen. Ronald dela Rosa mula sa compound ng Senado, sa gitna ng mga pagsisikap na ipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) na may kaugnayan sa kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.



Nauna nang inamin ni Padilla na nakisakay sa kanyang sasakyan si dela Rosa habang umaalis siya sa compound ng Senado.

Giit ng senador, walang mali sa kanyang ginawa dahil hindi naman pugante si dela Rosa at wala itong lokal na warrant of arrest noon.



Sa ilalim ng PD 1829, saklaw ng obstruction of justice ang mga gawaing sadyang humahadlang, nagpapabagal o nakaaantala sa pag-aresto sa mga suspek at pag-usad ng mga kasong kriminal.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang tanggapan ni Padilla hinggil sa subpoena.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">