Advertisers

Advertisers

Romualdez nagpasok ng ‘not guilty’ plea sa plunder

0 2

Advertisers

Nagpasok ng not guilty plea si dating House Speaker Martin Romualdez sa kanyang arraignment nitong Miyerkules, Setyembre 16, kaugnay ng P7.44-bilyong plunder case laban sa kanya.
Isinagawa ang arraignment sa Sandiganbayan Third Division, kungsaan pinayagan si Romualdez na lumahok sa pamamagitan ng video conference mula sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
Nahaharap ang dating Speaker sa kasong plunder kaugnay ng umano’y bilyun-bilyong pisong kickbacks mula sa mga pondong inilaan para sa infrastructure projects. Itinatanggi ni Romualdez ang mga alegasyon.
Naaresto si Romualdez Setyembre 7 at kalauna’y inilipat sa Quezon City Jail matapos sabihin ng mga doktor ng Philippine General Hospital na stable ang kanyang kondisyon at hindi na kailangan ang pa-tuloy na hospital confinement.