Advertisers

Advertisers

BARBIE FORTEZA, NAGULAT SA UGALI NI SHARON CUNETA SA ‘HONOR THY MOTHER’

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

NAGULAT si Barbie Forteza sa ugali ni Sharon Cuneta nang magsama sila sa drama series na “Honor Thy Mother.”

Bago ang kanilang pagsasama sa serye, inakala ni Forteza na magiging mahigpit si Cuneta dahil sa kanyang tagal at malaking pangalan sa showbiz.

Ngunit habang nagtatrabaho sila, nakita ni Forteza na collaborative, humble at generous ang beteranang aktres.

Malaki rin ang paghanga ni Forteza sa talento at paraan ng pagtatrabaho ni Cuneta. Aniya, marami siyang natutunan sa simpleng pagmamasid dito habang nasa set.

Samantala, pinuri rin ni Cuneta ang pagganap ni Forteza at itinuring itong isa sa pinakamagagaling na aktres na nakatrabaho niya.

Sa serye, ginagampanan ni Cuneta si Diana Aragon, isang makapangyarihang negosyante na muling makakaharap ang kanyang matagal nang nawawalang anak na si Patricia, na ginagampanan naman ni Forteza.

Kasama rin sa cast sina John Estrada, Khalil Ramos, RK Bagatsing, Tonton Gutierrez at Mercedes Cabral.

Ang “Honor Thy Mother” ay collaboration ng Prime Video, ABS-CBN Studios at GMA Network at binubuo ng 14 episodes.