Advertisers
BINIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ng isang buwan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para pagdesisyunanang hirit na taas pasahe ng mga transport group.
Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez, na mahalaga na maglabas na ang LTFRB ng desisyon sa buwan ng Oktubre dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Magpapatuloy din ang LTFRB dapat na magsagawa ng pagdinig sa petisyon habang tinitimbang ng gobyerno ang ilang kaparaanan para matulungan ang mga transport sectors.
Paliwanag pa ni Lopez, na mahalaga ang pagkakaroon ng pag-balanse kung saan dapat din na tignan ang kapakanan ng mga mananakay kapag inaprubahan ang taas pasahe.
Ipinagmalaki rin ni Lopez na tinaasan na ng gobyerno sa P12 kada litro ang fuel discounts sa mga pampasaherong sasakyan o makakatipid ng P1,800 kada linggo.