Advertisers

Advertisers

Barko ng BFAR binangga ng China coast guard sa WPS

0 2

Advertisers

Binangga ng barko ng China Coast Guard na CCG-21585 ang BFAR vessel na BRP Datu Magat Salamat habang nagsasagawa ng fuel subsidy mission para sa mga mangingisdang Pilipino, 54 nautical miles mula sa Palawan.
Nangyari ang insidente ngayong umaga, Setyembre 18, 2026.
Dalawang beses hinarang ng CCG ang BFAR vessel bago tuluyang binangga bandang 11:13 ng umaga .
Nasira ang railings, bakal na suporta, at iba pang kagamitan sa barko.
Nangyari ito sa loob mismo ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, malapit sa Abad Santos Shoal. Rumesponde ang PCG sa utos ni Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan para tiyakin ang kaligtasan ng crew.
Giit ng PCG, humanitarian mission ang ginagawa ng BFAR at malinaw na paglabag sa batas-dagat ang ginawa ng China. (Jocelyn Domenden)