Advertisers
Nakarekober ang iba’t-ibang armas, bala, pampasabog at mga dokumentong may kaugnayan sa Communist Terrorist Group (CTG) sa isang mountainous area sa Brgy. Dungeg, Santa Ana, Cagayan nitong Setyembre 17, 2026.
Pinangunahan ng 2nd CPMFC, sa pamamagitan ng R-PSB Team, ang joint recovery operation katuwang ang Santa Ana MPS, PECU-Cagayan, PNP-SAF, RMFB2, RIU2-PIT Cagayan North, PIU-CPPO, CIDG Cagayan at Batanes PPO, 203rd MC, at 17th IB.
Isinagawa ang recovery operation, matapos ituro ng isang dating miyembro ng CTG na alyas “Rey” ang lugar na pinagtataguan umano ng mga armas at iba pang kagamitan ng grupo.
Kabilang sa mga nakarekober ang isang M1 Garand rifle, Cal. .22 rifle, homemade 5.56 revolver, homemade improvised shotgun, improvised anti-personnel mine components, tatlong 40mm CTG high explosives, dalawang rifle grenade na may bulltrap, mga magazine, iba’t ibang bala at iba pang explosive-related items, gayundin ang mga subversive documents na may mga markang “Baringkuas,” “Krisis sa Ekonomiya,” at “Bayan.”
Ayon kay PCOL MARDITO G. ANGULUAN, Provincial Director ng Cagayan PPO, mahalaga ang patuloy na presensya at ugnayan ng mga pulis sa komunidad, lalo na sa pamamagitan ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB), upang mapalakas ang tiwala at makakuha ng impormasyong makatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad. (Fidel Coloma)