Advertisers

Advertisers

P2.5-M FIRE CODE FEES, NAWALA SA BFP-CAINTA

0 11

Advertisers

Mahigit P2.5 milyon sa nakolektang Fire Code Fees ang iniulat na nawawala sa Cainta Municipal Fire Station, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Ayon kay Sr. Insp. Jeremiah Padunan, Cainta BFP Marshal, mula sa kabuuang P11.2 milyon na nakolekta mula sa 6,416 na establisyimento simula noong Setyembre 4, P2,551,188 ang lumabas na kulang sa isinagawang pagsusuri noong Setyembre 16.



Napansin na ang pagkukulang noong Enero hanggang Pebrero 2026 sa ilalim ng programa ng Business-One-Stop-Shop (BOSS).

Iniuutos na ang masusing pagtutugma at pagsusuri sa lahat ng transaksyon upang matukoy ang tunay na kalagayan ng pondo. Patuloy ang imbestigasyon. (Edwin Moreno)