Advertisers
DINAKIP ang labing anim katao ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang salakayin ang isang sabungan na nag-o-operate mg iligal na online sabong sa Pililia, Rizal, Sabado ng ma-daling araw.
Kinilala ang mga naaresto na sina Eduardson Cunanan, 26-anyos, game declarator, ng Barangay San Isidro, Antipolo City; Albert Burawis, 43, game declarator, ng Brgy San Isidro; Bartazar Roboquie Jr., 24, game declarator, ng Pinugay, Baras, Rizal; Jason Mendez, 35, pit-manager, ng Brgy. Wawa, Tanay, Rizal; Roel Bulecer, 38, ng Brgy. San Isidro; Joefrey Fernandez, 50, kasador ng Brgy. Ta-bing-ilog, Tanay; Dennis Patapat, 52, ng Sitio Embalkadero, Brgy. Wawa, Tanay; Hervin Tibay, 23, ng Sitio Rayap, Brgy. Bagumbayan, Pililla, Rizal; Ronaldo Bautista, 53, ng Brgy. Sipsipin, Jalajala, Rizal; Romy Mendonis, 37, ng Brgy. Bagumbayan, Pililla; Marcelino Angeles, 54, ng Brgy Santolan, Pasig City; Julian Villa-nueva, 66, ng Brgy. Bagumbayan, Pililla; Amado Basa, 75, ng Bagumbayan, Pililla; Arjay Cabrera, 29, ng San Mateo, Rizal; Andres Miranda Jr, 55, ng Bagumbayan, Pililla; at Jeric Resurreccion, 33,ng Brgy Hulo, Pililla.
Ayon kay Major Russell Robert P Abundo, Pililia Chief of Police, 3:10 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng CIDG Rizal PFU, Pililla Municipal Police Station, PIU Rizal PPO, RIU CALABARZON, RID 4A at Rizal Provincial Cyber Response Team ang New Pililla Cockpit Arena sa Sitio Tipi, Brgy. Hulo, Pililla.
Nasaman ng mga operatiba ang (1) computer set gamit sa live-streaming, bet money na P15,150.00, iba’t ibang denomination; 6 fighting cocks; 3 gaffer boxes naglalaman ng mga tari; (1) RMX 387 mobile phone; at (3) Hikvision CCTV gamit sa live streaming.
Nasa kustodia ng Pililia Police Station ang mga naa-resto habang sumasailalim sa imbestigasyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449 (Cockfighting law of 1974) as amended by Presidential Decree 1602 (Anti-Illegal Gambling Law of 1978) in relation to Section 6 of Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) (Online Sabong). (Mark Obleada)