Advertisers

Advertisers

JUSTICE LEONEN: ‘FAT POLITICAL DYNASTY’ ANG DUTERTE CLAN

0 6

Advertisers

INILARAWAN ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen ang pamilya Duterte bilang isang “fat political dynasty” kaugnay ng sabay-sabay at magkakasunod na paghawak ng mga miyembro nito sa iba’t ibang posisyong halal sa pambansa at lokal na pamahalaan.

Ginawa ni Leonen ang pahayag sa kanyang hiwalay na concurring opinion sa desisyon ng Supreme Court en banc na nagdeklara na ‘grave abuse of discretion’ ang kabiguan ng Kongreso na magpatibay ng batas laban sa political dynasties, sa kabila ng mandato ng Article II, Section 26 ng 1987 Constitution.

Sa kanyang opinion, binanggit ni Leonen ang mga posisyong hinawakan ng mga miyembro ng Duterte family, kabilang sina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte.



Ang naturang ruling ng Korte Suprema ay nag-aatas sa Kongreso na tugunan ang constitutional mandate na magpasa ng batas na magtatakda kung paano ipagbabawal at ire-regulate ang political dynasties.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">