Advertisers

Advertisers

Daniel, napa-halakhak sa biro ng kuya ni Kaila

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

Napatawa nang malakas si Daniel Padilla sa isang mapaglarong komento ng kuya ng kanyang girlfriend na si Kaila Estrada sa Instagram.

Nag-iwan kasi ng biro si Luigi Muhlach sa latest Instagram post ni Daniel, kung saan pino-promote ng aktor ang isang energy drink. Hindi naman pinalampas ni Daniel ang komento at sinagot ito ng puro tawa.



Ibinahagi ni Daniel ang isang carousel ng mga larawan para sa Cobra Energy Drink. Makikita sa mga kuha ang aktor habang nasa outdoor travel, kasabay ng pagpo-promote niya sa produkto bilang katuwang sa mahahabang biyahe.

Bahagi ng caption ni Daniel:



“Mainit at mahaba man ang daan, kargado ang lakas saan ka man magpunta,”

Kabilang sa mga nagkomento sa post si Luigi, nakatatandang kapatid ni Kaila.



Sa halip na simpleng reaksyon, nagbiro ito at isinama pa sa komento ang kanyang kapatid.

“Sana cobra ka nalang noh @kailaestrada hahaha,” na agad namang napansin ni Deejay ang komento.

Maikli man ang naging sagot ng aktor, ramdam ang kanyang aliw sa biro ng kuya ni Kaila. Itina-tag lamang niya si Luigi at nag-reply:

“@muhlachluigi HAHAHAHAHAHA.”

Dahil dito, naging kapansin-pansin ang magaan at komportableng pakikitungo ni Daniel sa pamilya ni Kaila.

Si Luigi ay anak nina Janice de Belen at Aga Muhlach, habang si Kaila naman ay anak ni Janice sa aktor na si John Estrada. Magkapatid sina Luigi at Kaila sa panig ng kanilang ina.

Hindi na rin bago ang pagkakaugnay ni Daniel sa pamilya ni Kaila.

Ang KaiNiel ay patuloy napinag-uusapan ng publiko lalo na’t kapwa sila naging mas bukas sa pagpapakita ng kanilang pagsasama sa social media.

Sa pagkakataong ito, isang simpleng biro lamang ni Luigi ang naging dahilan para muling mapansin ang magandang samahan ng aktor at ng pamilya ng girlfriend.