Advertisers

Advertisers

Special election para sa congressman ng Batanes

0 4

Advertisers

MAGSASAGAWA ang Commission on Elections (Comelec) ng special election para sa kinatawan ng lone district ng Batanes.
Ito ay kasunod ng pagpanaw ni Batanes Representative Ciriaco Gato Jr. noong Lunes, Setyembre 21, sa edad 66 dahil sa cardiac arrest.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kailangan maisagawa ang halalan hindi mas maaga sa 60 araw at hindi lalampas sa 90 araw mula nang pumanaw si Gato.
“Nagpatawag po tayo ng emergency meeting ng ating field officials ngayong araw. Kailangan po may special election ng hindi maaga sa 60 araw at hindi hihigit ng 90 araw mula po kahapon,” ani Garcia.
Posible isabay ang special election sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, ngunit sinabi ni Garcia na kailangan pa itong pag-aralan dahil hindi pa aabot sa 60 araw ang pagitan ng pagkamatay ng kongresista at ng nakatakdang BSKE.
(Jocelyn Domenden)