Advertisers
Ni Favatinni San
HINDI humuhupa ang sentimyento de asukal ng mga fanchita at supporters ni Gov. Vilma Santos dahil sa bagong talaan ng mga bagong hirang na national artist dahil wala ang pangalan ng kanilang idolo.
May nagtanggol pa na matagal na siyang artista, after Superstar Nora Aunor, naging national artist for film broadcast and media arts si Vilma na susunod.
Ayon sa ating insider, ligwak si Vilma na kinulang sa achievements profile. Kaya sa closing film ng FDCP retro, isang Vilma movie na Sister Stella L ang muling napanood.
After the film showing, nagkaroon ng talkback at natanong ang aktres/politiko na ‘di siya kasama sa bagong hirang ng Alagad ng Sining.
Sabi ni Gov.Vilma, “Hindi na dapat patulan. If not mean to be, it’s ok… there’s so much life.”
Ganu’n ba, dapat pagsabihan mo ang fan na isang educator na Ronald Gan na working abroad na nilapastangan niya si Nora. Isang national artist. Impossibleng ‘di alam ni Vilma ‘yun, kaya masisisi ang solid Noranians ay handang ipaglaban si Ate Guy.
Isang veteran columnist ang nagtanggol kay Vilma na kumpleto na ang pagiging aktres ng nanay ni Lucky and Ryan Christian. Okey, kahit wala ang national Artist award, tuloy ang buhay ni Vilma.
Naku, pag-uusapan kung ilan ang international best actress ni Ate Guy. Never niyang naranasan ang stage acting experience. Ang Superstar ay naging bida sa Peta’s MINSA’Y, isang Gamu-Gamo, DH at Trojan Women.
Bakit kasi nagpa-ALIPIN si Vilma sa politika, nag-mayor, gobernador, congresswoman at balik sa gobernador.
Hayyyy… sa edad 72 at anim na dekada sa syobis, baka susunod na National Artist for the year 2028, maungusan siya ni Lea Salonga. Komento niya, dear Police Files Tonite readers.