Piyansa ng ate ni Kim Chiu binabaan sa P5.6m
Advertisers
BAHAGYANG ibinaba ng isang korte sa Quezon City sa P5.6 milyon ang piyansa ni Lakambini “Lakam” Chiu, nakatatandang kapatid ng aktres at TV host na si Kim Chiu, kaugnay ng 124 counts ng qualified theft.
Ayon kay Atty. Dominic Solis, abogado ni Lakambini, “partially granted” ng korte ang kanilang kahilingang bawasan ang dating P5.8 milyong piyansa.
Pinayagan din ng korte si Lakambini na mag-post ng cash bond, kungsaan 50% ng P5.6 milyon ang kailangang ilagak. Mananatili naman sa P5.6 milyon ang halaga kung surety bond ang gagamitin.
Sinabi ni Solis na pinag-aaralan pa nila ang kanilang mga opsyon ngunit target nilang makapagpiyansa at makalaya si Lakambini sa loob ng linggong ito.
Nahaharap si Lakambini sa 124 counts ng qualified theft kaugnay ng umano’y pagkuha o paglilipat ng corporate funds na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P44.4 milyon kungsaan magkasosyo ang magkapatid.