Advertisers

Advertisers

PBBM bukas na palakasin ang Anti-espionage Law

0 7

Advertisers

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang amyendahan ang Anti-espionage Law para palakasin ang proteksyon sa bansa laban sa paniniktik at iba pang banta sa seguridad.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi pa nakikita ng pangulo ang bersyon ng panukala pero hindi niya ito hahadlangan kung makabubuti sa bansa.

Ayaw aniya ng Pangulo na may mga Pilipinong magtaksil sa sariling bayan, lalo na kung may banta sa seguridad ng bansa.



Naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 9642 o New Espionage Act.

Layunin ng panukala na palitan ang 1941 Anti-espionage Law at tugunan ang mga bagong banta gaya ng cyber espionage, pagkuha ng classified information at paniniktik ng mga dayuhan.



Samantala, sinabi ni Castro na posibleng tutulan ito ng ilang grupo dahil sa usapin ng karapatan at kalayaan.

Maaari naman aniyang ihayag ng mga tutol ang kanilang mga suhestiyon habang pinagdedebatehan ang panukala. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">