Advertisers

Advertisers

KAPATID NI KIM CHIU NA SI LAKAM NAKAPAG-PIYANSA NA!

0 2

Advertisers

Dumating si Kim Chiu sa Quezon City Hall of Justice nitong Huwebes para dumalo sa arraignment o pagbasa ng sakdal sa kaniyang kapatid.

Ayon sa segment na “Today’s Talk” ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, sinabing kasama ni Kim na nagtungo sa korte ang Star Magic Head na si Laurenti Dyogi

May kaugnayan ang arraignment ng kaniyang kapatid sa 124 na kaso ng qualified theft na isinampa laban sa kaniya mismo ni Kim.



Ayon kay Abunda, batay sa imbestigasyon ng Quezon City Prosecutor’s Office, sinasabing nakakuha umano ang kapatid ni Kim ng P44 milyon mula sa kumpanya sa pamamagitan ng mga hindi awtorisadong pag-withdraw.

Naghain naman ng not guilty plea sa kaso ang kapatid ni Kim.



Nauna nang sinabi ng abogado ni Kim na si Atty. Margrein Archernar M. Gregana na hindi personal na usapin sa pagitan ng magkapatid ang kaso, kundi hakbang na ginawa ng kumpanyang The House of LittleBunny Philippines, Inc. (HOLB), na shareholder si Kim.

Inaresto ang kapatid ni Kim noong Linggo ng hapon sa Mandaluyong City dahil sa arrest warrant para sa 124 na kaso ng qualified theft.



Ayon kay Kamuning Police Station 10 Commander PLTCOL. Aljun Belista sa “24 Oras” noong Lunes, nakakulong ang kapatid ni Kim sa custodial facility ng himpilan ng pulisya habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Nagtakda ang korte ng piyansa sa kapatid ni Kim ng halagang P5,838,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.

Iniulat din ng programa ang pahayag ng kaniyang abogado na si Atty. Dominic Solis na may petsang Setyembre 17.

“Our client is saddened by her sister’s decision to pursue the case but remains hopeful that the matter can still be resolved amicably within the family. She will address the charges through the proper legal process,” ayon kay Solis.

Noong Disyembre 2025, nagsampa ang “It’s Showtime” host ng reklamo para sa qualified theft laban sa kaniyang kapatid matapos matuklasan ang “serious financial discrepancies” na umaabot sa P44 milyon sa kaniyang negosyo.

“Unfortunately, substantial amounts connected to my business assets were found missing. These discoveries forced me to take formal action to protect not just my company, but also the livelihoods of the people who work with me and the integrity of everything I have built,” anang TC host-actress.

Samantala, nakalaya na si Lakambini Chiu sa Quezon City Jail Female Dormitory matapos nakapag-pyansa ng P5.6 million through surety bond. Kinumpirma ito ng BJMP Quezon na bandang alas 5:30 ng hapon nitong Huwebes ay nakalaya na ito matapos maibigay ang kinakailangang dokumento sa kanyang paglaya.

Sa ngayon kahit nakalaya na ito na plead not guilty, patuloy pa ring gumugulong ang kanyang kaso at hindi pa siya abswelto.