Advertisers
SINABI ni Senator Risa Hontiveros na hihilingin ng Senate Leadership kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas laban sa political dynasties.
Ayon kay Hontiveros, suportado ng Senate Leadership ang kahilingan matapos bigyang-diin ni dating Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo ang pangangailangan para sa isang anti-political Dynasty Law.
Pahayag ni Guinigundo, maaaring maging hadlang sa Economic Development ang matagal nang paghahari ng Political dynasties sa ilang lugar, kabilang ang pagsisikap na mabawasan ang red tape at korapsyon.
Ang Senate Bill no. 1901 ay kabilang sa mga priority measure ng LEDAC at nakabinbin pa sa second reading.
Layunin nitong ipagbawal ang political dynasties sa national at local elective offices at party-list system.