Advertisers

Advertisers

244 TAUHAN NG RIZAL PNP, TUTOK SA IKA-54 ANIBERSARYO NG BATAS MILITAR!

0 31

Advertisers

Pormal na send-off ceremony ang isinagawa para sa 244 na tauhan bilang paggunita sa ika-54 anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar.

Isinagawa ang send-off sa Rizal PPO Covered Court, Camp MGen Licerio I. Geronimo, Brgy. Dolores.



Ayon kay Provincial Director P/Col. Eleazar Barber Jr., pairalin ang maximum tolerance, disiplina, at paggalang sa karapatan ng mamamayan. Iwasan ang komprontasyon — panatilihin ang kapayapaan habang pinangangalagaan ang kaligtasan ng lahat.

Nakatuon ang pagtitipon sa pagpapaalala sa mahalagang aral ng kasaysayan — ang pag-iingat sa demokrasya, katarungan, at pagkakaisa ng bansa. (Edwin Moreno)