Advertisers

Advertisers

Yamsuan itinulak tax-free insentive, donasyon sa nat’l athletes, coaches

0 30

Advertisers

MANILA, Philippines — Itinutulak ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Raymund Yamsuan na gawing tax-free ang lahat ng insentibo, reward, bonus, donasyon at iba pang suportang natatanggap ng national athletes at kanilang coaches, manalo man o hindi sa kompetisyon.

Sa ilalim ng House Bill No. 9470, nais amyendahan ni Yamsuan ang Republic Act No. 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act upang palawakin ang mga benepisyong hindi papatawan ng national at local taxes. Inihain ang panukala noong Mayo 28, 2026 at ini-refer sa House Committee on Ways and Means.

“Our athletes train hard for years and give their best to bring honor and glory to our country. Karapat-dapat lang na matanggap nila ng 100 percent ang anumang reward, bonus o donasyon na ibibigay sa kanila,” ani Yamsuan.



Saklaw ng panukala hindi lamang ang medal winners kundi maging ang national athletes na lumahok sa mga kompetisyon ngunit hindi nakapag-podium finish, gayundin ang kanilang coaches.

Layunin din ng HB 9470 na hikayatin ang pribadong sektor na suportahan ang mga atleta sa pamamagitan ng pagpayag na maibawas sa gross income ng donor ang mga donasyong ibinigay bago ang kompetisyon at eksklusibong ginamit para sa training at competition-related expenses.



Sa kasalukuyang RA 10699, ang mga nananalo sa Asian Games ay may cash incentives na P2 milyon para sa gold, P1 milyon para sa silver at P400,000 para sa bronze, habang ang coaches ng medal-winning athletes ay maaari ring tumanggap ng katumbas ng 50 porsiyento ng cash incentive ng atleta.

Iginiit ni Yamsuan na hindi rin dapat balewalain ang mga atletang hindi nakapag-uwi ng medalya dahil sa mahabang panahon at sakripisyong inilaan nila sa paghahanda.



Aniya, ang pagbibigay sa kanila ng kaparehong tax-free treatment ay makatutulong upang mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang training at development at makapagbigay rin ng insentibo sa mga pribadong donor na patuloy silang suportahan.

Kasabay nito, patuloy na lumalahok ang Team Philippines sa 2026 Asian Games, kung saan dalawang gold medal na ang napanalunan ni Olympic champion Carlos Yulo sa artistic gymnastics.