Advertisers

Advertisers

SUNOD SUNOD NA PAGBABAGO

0 29

Advertisers

MAGAGANDA ang nabalitaan nating pagbabago sa iba’t ibang lugar ng bansa hinggil sa ating kasundaluhan at ang kanilang pakikipagtunggali sa mga walang habas na nanggugulo sa ating bayan – ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Tatlong miyembro ng mga rebeldeng NPA ang sumuko, matapos masawi ang kanilang lider sa Northern Mindanao. Ang kanilang pinunong si Julia Cagadas alias “Rheda” ang napaslang sa engkuwentro sa Brgy. Bakingking, Esperanza, Agusan del Sur, noong September 12.

Ang tatlong sumuko naman ay kinilalang sina Claire M. Dalagon alias “Cloud,” na sumuko noong Semtember 15 sa Las Nieves, si William Boskada Manligayan alias “Kevin,” at si Allan Bakero Tahal alias “Ading,” na sumuko noong September 17 sa Buenavista.



Ayon kay Maj. Gen. Marion T. Angcao, commander ng 4th Infantry Division, patuloy ang pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa pamamagitan ng ECLIP (Enhanced Comprehensive Local Integration Program).

Deradikalisasyon naman ang inilunsad
sa Cotabato para sa mga dating NPA, ng ating mga kasundaluhan sa 39th Infantry Battalion na pinangunahan ang 15-araw na programa para sa reintegrasyon at pagbabago ng mga dating rebelde.



Inilunsad ng 39th Infantry Battalion ang Deradicalization Program para sa mga Friends Rescued sa Makilala, North Cotabato, noong September 14.

Ang 15-araw na programa na may temang “Uniting for Peace, Transforming for Progress” ay naglalayong bigyan ang mga dating rebelde ng pagkakataon para sa personal na pagbabago, values formation, skills development, at sustainable reintegration.



Hinikayat ni Lt. Col. Hector A. Estolas ang mga kalahok na makipagtulungan para sa pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad ng komunidad.

28 dating rebelde naman na binansagang ‘Friends Rescued’ at take note, di tinatawag na ‘former rebeld’ ha, sa Palanas, Masbate ang isinailalim din sa reintegration.

Pormal pa ang pagkaka- presenta sa kanila ng LGU ng Palanas, Masbate sa 28 dating rebelde o’ Friends Rescued sa Brgy. Miabas noong Setyembre 18.

Pormal silang ipinakilala sa mga ahensya ng pamahalaan, mapabilis ang kanilang pagproseso at pagkuha ng mga kinakailangang tulong, at mapalakas ang koordinasyon para sa kanilang maayos na reintegration sa komunidad.

Kung ganyan nang ganyan ang mga balita nating nalalaman, nakakasiguro ako, na ang mga kakarampot na bilang ng mga natitira pang mga NPA ay mae-engganyo na rin magsisisuko.