Advertisers

Advertisers

AKTOR NA SI DEREK RAMSAY, DI PA LUSOT SA ISYU NG SMUGGLED LUXURY VEHICLE, AYON KAY BOC CHIEF NEPOMUCENO

0 43

Advertisers

HINDI pa lubusang ‘lusot’ o ‘off the hook’ ang aktor na si Derek Ramsay hinggil sa isyu ng kanyang nabiling Porsche 918 Spyder, na una nang kinumpiska ng ahensiya dahil sa ilang paglabag sa mga batas ng Bureau of Customs (BOC).

Sa kanyang pagdalo sa buwanang ‘Balitaan’ forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant sa Maynila, sinabi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na sa ngayon ay masasabi niyang ‘buyer in good faith’ ang aktor, ngunit maaari pa din umano siyang maharap sa problema sa oras na isangkot siya ng importer.

“Sa ngayon, madaling tignan na buyer in good faith siya but if the importer implicates him, makakasama pa rin siya sa kaso. Based on documents right now, he is not the importer but if implicated, delikado dahil ang importasyon, di nagtatapos sa entry sa pier. Pag bumili ka, damay ka,” pagbibigay-diin ni Nepomuceno.



Ayon pa kay Nepomuceno, nakatakda silang mag-usap nang personal ni Ramsay sa mga susunod na araw upang madinig niya ang panig nito hinggil sa isyu. Gayunman, sa kanila umanong naunang pag-uusap sa telepono ay hindi niya ito binigyan ng maling pag-asa dahil hindi umano maaring ibalik ang kotse sa kanya.

Ani Nepomuceno, ang nasabing sasakyan ay pagma-may-ari na ngayon ng pamahalaan. Sa ilalim ng batas, pag-aari na yan ng gobyerno at io-auction yan,” saad pa ng Customs chief.



“Our investigation is ongoing pero dun din ang dulo nun. It’s just a matter of documenting who are the culprits and guilty parties. I saw the initial reports -di nagbayad ng tama, mali dokumento at mali ang certificate of payment. Talagang smuggled. Hindi siya (Ramsay) ang bumili, pero kahit siya ay bumili lamang, di ‘yan dahilan para ibigay ko sa kanya ‘yung kotse. Walang ganun sa batas…alam natin hard-earned money, ‘ but di yan dahilan para bigyan siya ng pabor,” paliwanag pa niya.

Aniya, hindi umano nila pipigilan si Ramsay kung nanaisin nitong lumahok sa bidding, lalo na kung may sentimental value ito sa kanya.



Samantala, pinayuhan ni Nepomuceno ang mga nabili ng luxury cars na maging mapanuri upang matiyak na ang papeles ng binibiling sasakyan ay maayos dahil hindi umano natatapos ang kasong smuggling sa pagbili ng sasakyan at ang buyer ay may panangutan din.

Maari umanong bisitahin ng publiko ang website na “Isumbong Kay Commissioner” kung saan maaring mag-report, magreklamo o magtanong upang masiguro na ang binibiling sasakyan ay hindi smuggled o dumaan ito sa tamang proseso sa BOC. (JERRY S. TAN)