Advertisers

Advertisers

Anak ng aktor nababash sa online… Pakiusap ng anak ni Patrick: ‘Tell your story’

0 31

Advertisers

Ni Beth Gelena

Matapos ang halos 18 taon ng pananahimik, nagpasya si Patrick Garcia na ikuwento ang kaniyang panig sa naging hiwalayan nila ni Jennylyn Mercado.
Hinilingan kasi siya ng panganay niyang anak na si Michelle na sabihin ang “truth” tungkol sa kanilang nakaraan.

“Daddy, why don’t you tell your story? What really happened between you and your past?” tanong umano ni Michelle sa aktor.



Ayon kay Patrick, nakaranas ng pambabash ang 13-anyos niyang anak sa social media at nadadamay umano ito sa mga isyung may kaugnayan sa nakaraan nila ni Jennylyn.

Sinabi raw niya kay Michelle na maaari niyang sabihin ang kaniyang bersiyon, pero hindi niya maipapangako kung titigil o lalo pang dadami ang mga batikos.



“Yeah, I can tell my story, but I cannot promise you na the bashing will stop, or could lessen, or it could worsen.”

Ngunit malinaw umano ang sagot ng kaniyang anak.



“Sabi niya sa akin, ‘Daddy, it’s okay, as long as they know the truth.’”

Dito na nagsimulang balikan ni Patrick ang mga pangyayaring matagal niyang hindi pinag-uusapan, kabilang ang pagbubuntis ni Jennylyn, ang plano nilang pagpapakasal at ang mga dahilan kung bakit hindi ito natuloy.

Ayon kay Patrick, sabay nilang nalaman ni Jennylyn ang tungkol sa pagbubuntis matapos siyang bumili ng pregnancy test kits.

“So when she got pregnant, we found out together. I bought test kits, and then it was positive.”

Aminado siyang nakaramdam siya noon ng kaba dahil hindi planado ang pagbubuntis, pero handa naman umano silang harapin ang sitwasyon.

“So siyempre, nung nalaman naming positive, ako, medyo kabado. Medyo may halong takot kasi this was not planned, but ready to face it naman.”

Agad umano nilang sinabi sa kani-kanilang pamilya at managers ang tungkol sa pagbubuntis.

Nagtungo rin sila sa St. Luke’s para sa ultrasound, kung saan una nilang narinig ang heartbeat ng kanilang magiging anak.

“And then, yun nga, buntis nga siya. For the first time, we heard yung heartbeat ng baby.

Isa sa mga bahagi ng kuwento ni Patrick ang umano’y intensiyon nilang magpakasal noon.

Ibinahagi nila ang pagbubuntis sa Makati Regional Trial Court sa harap ng judge. Ayon kay Patrick, totoong may plano silang magpakasal noon.

“Nandoon kami because the announcement was real—yun kasi ang parang gusto ni Tita Becky na parang we had the intent of getting married. That’s why we announced it in front of the judge.”

Ang tinutukoy niyang si Tita Becky ay si Becky Aguila, matagal nang talent manager ni Jennylyn.

Gayunman, sinabi ni Patrick na may ilang bagay na nakaapekto sa kanilang plano, kabilang umano ang mga kontrata at endorsement ni Jennylyn at ang pagpapakasal din ng kaniyang kapatid na si Cheska Garcia noong parehong taon.

“So parang may intent kami to get married, pero hindi rin puwede kasi my sister [Cheska Garcia] was getting married at the same year.”

“May sukob, kaya hindi kami natuloy.”

Gayunman, binigyang-diin ni Patrick na totoong may naging intensiyon silang magpakasal noon.

“Pero the announcement was real.”

Noong October 9, 2008, ikinasal si Cheska kay PBA player Doug Kramer.

Samantala, kalaunan ay bumuo ng sariling pamilya si Patrick kasama si Nikka Martinez. Ikinasal sila noong 2015 at mayroon silang apat na anak, kabilang si Michelle.

Sa kaniyang pagsasalita ngayon, malinaw na nagsimula ang pagbabalik-tanaw ni Patrick sa nakaraan matapos maapektuhan umano ang kaniyang anak sa mga komento online.

At matapos ang unang bahagi ng kaniyang kuwento tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn at sa planong pagpapakasal, posible pang may iba siyang ibahaging detalye tungkol sa mga pangyayaring naganap bago tuluyang naghiwalay ang dating magkasintahan.
Sa puntong ito hindi naiwasan ng manager ni Jennylyn na magpadala ng kanyanng saloobin na ipagtanggol ang alaga. At dahil sa ginawa umano ni Patrick ay nawalan siya ng respeto sa aktor.
Maging ang mister ni Benjie na si Dennis Trillo at nagreak rin.

Vvvv

Ni beth gelena

Bayani ibinunyag bakit hindi natuloy Spain wedding nina Bea at Vincent

Bago pa man ibunyag ni Bayani Agbayani ang mga nangyari sa Spain wedding na hindi natuloy, nakapagpakasal na sina Bea Alonzo at Vincent Co sa isang pribadong civil ceremony sa Makati noong Hulyo.
Nainterbyu ng King of Talk si Bayani last Monday sa Fast Talk With Boy Abunda at doon ay naikuwento ng comedian actor kung bakit naudlot ang planong church wedding sa Spain nina Bea at Vincent at nag-“I do” sila sa isang simple at pribadong seremonya na pinangunahan ni Makati Mayor Nancy Binay noong Hulyo 13, 2026. Kinumpirma rin mismo ni Bea ang kanilang pagpapakasal sa pamamagitan ng mga wedding photo na ibinahagi niya sa social media.
Si Bayani at ang asawang si Lenlen ay maagang nagtungo sa Spain noong Mayo 1.
Ayon sa komedyante, balak din nilang mamasyal bago ang nakatakdang wedding festivities nina Bea at Vincent.
Sa halip na wedding celebration, isang hindi inaasahang balita ang kanilang natanggap habang nasa Barcelona.
“Pumunta kami sa Madrid kasi nauna na kami roon dahil balak namin ni Lenlen mamasyal. Pagdating namin ng Barcelona, after Madrid, dun namin nalaman. ‘Papa, hindi na po matutuloy,’” kuwento ni Bayani sa pagharap niya sa FTWBA.
Ang nagsabi raw sa kanya na hindi na matutuloy ang kasal ay ang anak niyang si Thalia, asawa ng nakababatang kapatid ni Bea na si James.
Personal na konektado ang pamilya ni Bayani sa magkabilang panig ng pamilya.
Matagal nang naging usap-usapan ang dahilan ng pagkansela ng planong kasal sa Spain.
Ayon sa ulat noon, hindi umano nagkasundo ang magkasintahan sa ilang kondisyon ng prenup. Gayunman, walang direktang kumpirmasyon mula kina Bea at Vincent na prenup ang dahilan ng pagkansela ng kanilang Spain wedding.
Sa kabila ng mga espekulasyon, nanatiling pribado sina Bea at Vincent tungkol sa tunay na dahilan kung bakit hindi natuloy ang kanilang planong kasal sa Spain.
Di man natuloy ang kasal ng dalawang personalidad, hindi rin basta umuwi sina Bayani at Lenlen matapos malaman na kanselado na ang wedding.
Dahil naroon na rin sila, ipinagpatuloy nila ang kanilang bakasyon at pinuntahan pa ang ilan sa mga lugar na dapat sanang pagdausan ng wedding events.
“No’ng May 14, dapat meron silang dinner… Puwede ko naman siguro ikuwento ito tutal nakasal na naman sila. Pumunta kami sa lugar kung saan sila magdi-dinner. Sinilip namin kasi baka natuloy tapos wala kami. Naniniguro kami,” pagbabahagi ni Bayani.
Pumunta rin sila sa Jerez, Spain, kung saan nakatakda sanang gawin ang wedding ceremony. Ayon kay Bayani, napakaganda ng lugar kaya naintindihan niya kung bakit ito ang pinili nina Bea at Vincent.
Sa halip na malungkot dahil hindi natuloy ang okasyon, pinili na lamang nina Bayani at Lenlen na sulitin ang kanilang European vacation.
At ilang buwan matapos ang naudlot na Spain wedding, nagkaroon ng bagong kabanata ang kuwento nina Bea at Vincent nang tuluyan silang ikasal nang pribado sa Makati noong Hulyo.