Advertisers
UMABOT sa panibagong record-high na P19.61 trilyon ang kabuuang outstanding debt ng pambansang pamahalaan sa pagtatapos ng buwan ng Agosto 2026.
Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), nadagdagan ng P217.62 bilyon o 1.12 porsyento ang pambansang utang mula sa dating P19.39 trilyon noong Hulyo dahil sa pag-iisyu ng mga domestic government security at paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Sa kabuuang halaga ng utang, P13.24 trilyon o 67.53 porsyento ang nagmula sa mga lokal na pinagkunan habang P6.37 trilyon o humigit-kumulang US$101.92 bilyon naman ang mula sa mga panlabas na pinagkunan batay sa palitan na P62.50 kada dollar.
Nangangahulugan ito ng 10.72 porsyentong pagtaas sa utang ng bansa kung ikukumpara sa naitalang P17.71 trilyon noong Disyembre 2025.
Inaasahan namang lalago pa ang kabuuang utang ng Pilipinas patungong 2027 dahil sa planong pangungutang ng pamahalaan ng karagdagang P1.7 trilyon upang pondohan ang inaasahang budget deficit.