Advertisers

Advertisers

Ryan Bang, pakiusap sa Madlang People: Tulungan n’yo akong mag-move on

0 23

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

May simple pero wagas na pakiusap ang It’s Showtime host na si Ryan Bang sa Madlang People na tulungan siyang makapag-move on sa kanyang ex at respetuhin ang personal na buhay nito dahil hindi naman ito artista.

Sa YouTube channel ni Ryan Bang, napag-usapan nila ng kanyang best friend na si Willy Song ang tungkol sa kanyang lovelife at sa kanyang ex.



Tanong ni Willy, “Single ka ba ngayon?”

“Matagal na, more than one year na. Kaya minsan nga nakikita ko, eh. Kaya tama na, let’s move on na, ’di ba? Kailangan ko move on din. Tulungan n’yo po ako, please,” pakiusap ni Ryan.



“Tsaka ’yung iba, nasa-sad ako hanggang ngayon kasi siyempre ’yung ex ko (Paola)
at naging ex ko, hindi naman sila artista.

“’Yung iba hanggang ngayon ginagamit pa picture namin. Tama na, please. ’Di ba more than one year na? Baka may bago na siyang na-meet, ’di ba? Respetuhin natin. Wala na eh, more than one year na.



“Sana suportahan n’yo din ako sa future. More than one year na eh. So feeling ko after 10 years, single pa rin ako,” dagdag ni Ryan.

Aminado naman si Ryan na dati ay talagang naghahanap siya ng makakasama sa buhay.

“Pero dati kasi naghahanap ako eh. Gusto ko mag-asawa, gusto ko settle down, gusto ko mag-girlfriend. Pero ngayon, hindi na. Hindi na ako naghahanap,” ani Ryan.

Tipong kailangan na lang talaga ni Ryan ang right time para sa kanyang true love, gaya ng payo ng kanyang mother dearest na si Unkabogable Star Vice Ganda.

“Sabi ni Mommy Vice, ’yung pag-ibig daw kusang dumarating pero marami kasing stoplight,” ani Ryan.

Well, big korek ang iyong mother dearest na si Vice na ang pag-ibig ay kusang dumarating nang hindi mo inaasahan. Pak ganern.

***

DZMM Radyo Patrol 630, Pinakamaraming Parangal sa 29th KBP Golden Dove Awards

Nag-uwi ng pinakamaraming parangal ang DZMM Radyo Patrol 630 mula sa mga AM radio station sa bansa sa nagdaang 29th KBP Golden Dove Awards, kung saan kinilala ang mga batikang broadkaster at programa nito.

Kinilala bilang Best Public Affairs Program Host ang “Balitapatan” anchor na si Peter Musñgi, Best Newscaster si Alvin Elchico para sa programang “Radyo Patrol Balita Alas Siyete,” Best Public Service Host si Niña Corpuz para sa kanyang public service show na “Nagseserbisyo Niña Corpuz,” Winnie Cordero bilang Best Magazine Program Host sa kanyang magazine show na “Win Today,” at ang “Ligtas Dapat” host na si Ariel Rojas bilang Best Science & Technology Journalist.

Nagwagi rin ang public service show nitong “Aksyon DOLE sa DZMM” bilang Best Public Service Program, habang inuwi ng DZMM TeleRadyo documentary na “Yanig: Lindol sa Pilipinas” ang Best Documentary Program award.

Nangunguna rin ang DZMM Radyo Patrol 630 bilang most trusted AM radio station base sa survey ng PUBLiCUS Asia Inc. sa unang kalahati ng 2026.

Patuloy rin ang selebrasyon nito ng ika-40 taong anibersaryo sa pagbabalita at pagseserbisyo-publiko sa radyo.