Advertisers

Advertisers

Joshua at Julia, dumaan sa bayolenteng away noong mag-ex

0 24

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Kahit hindi nagbalikan bilang magkasintahan, malinaw na malinaw na may espesyal na lugar pa rin sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa buhay ng isa’t isa.

Sa interview sa kanila ni Karmina Constantino sa KC After Hours, mas naging bukas ang JoshLia tungkol sa kanilang nakaraan, friendship at kung ano ang natira matapos ang kanilang romantic relationship.



Para kina Joshua at Julia, hindi kailangang burahin ang isang love story dahil natapos na ang relasyon. Sa halip, mas pinili nilang tanggapin ang kanilang naging bahagi sa buhay ng isa’t isa.

Aminado rin silang mahal pa rin nila ang isa’t-isa pero hindi na maiuugnay sa romantic level.



Hindi kasi maikakaila ang lalim ng kanilang connection. Sampung taon na silang magkakilala, nagtrabaho, nagmahal at dumaan sa maraming milestones nang magkasama.

Pero ang closeness nila ngayon ay mas nakaugat sa friendship, familiarity at respeto kaysa sa romantic relationship.



Hirit pa nila, wala raw silang pinagsisihan sa mga pinagdaanan nila sa kanilang relasyon kung saan dumating na naging toxic sila to the point na magbabatian ng water jug kapag nag-aaway.

In short, dumaan din sila sa bayolenteng away.

Pero ngayon, sa halip na bitterness ang nangingibabaw kapag pinag-uusapan ang kanilang past, mas nangingibabaw ang appreciation sa mga pinagdaanan nila.

Hirit pa nila, mas malalim na rin ang kanilang pagkakaintindihan.

Dahil matagal na silang magkakilala, alam na nila kung paano mag-isip at kumilos ang isa’t isa.

Kaya kapag magkasama sa trabaho, hindi na kailangang pilitin ang chemistry. Natural itong lumalabas dahil kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

Nandoon din daw ang respeto nila sa kanilang buhay ngayon.