Advertisers

Advertisers

AYAW “IRESPETO” SI BBM?

0 33

Advertisers

KAUGNAY pa rin sa ating nakaraang kolum hinggil dito sa ‘NCAP’ (No Contact Apprehension Policy) pero mas kinatatakutan sa bansag na, ‘Nasa Camera Ang Pera,’ marami pang nakikitang isyu sa pagpapatupad nito ang ating mga miron.

Bukod sa walang nangyaring konsultasyon, hindi malinaw na proseso at kung “sino” na naman ba ang magpapatupad at makikinabang sa dambuhalang kikitain sa “raket” na ito, may mas mahalaga pa ring isyu dito ng “RESPETO,” anila pa.

Inirerespeto ba nito ang desisyon ng Korte Suprema nang alisin ang ‘TRO’ sa NCAP noong isang taon kung saan sinabing puwede na itong ibalik pero dapat ay MMDA ang mangangasiwa at kung mga LGUs naman ay dapat ‘uniformed implementation’ batay sa MMDA Resolution 16-01 at Metro Manila Traffic Code of 2023.



Kung matatandaan, ang pag-alis ng SC ng TRO pabor sa implementasyon ng NCAP ng MMDA ay nagsantabi rin sa mga sariling ordinansa ng mga Metro Manila LGUs kung saan pribadong kumpanya ang pinayagang magpatupad nito sa kanilang mga lokalidad.

Ang sentrong tanong sa mga ordinansa ng mga LGUs na nakuwestyon sa SC noon ay: “Puwede” bang “ipasa” (delegate) ng gobyerno ang ‘police power’ nito katulad ng traffic law enforcement sa isang pribadong kumpanya?



Bunga naman ng digmaan sa Middle East na nagsimula nitong Pebrero, inilabas ni PBBM ang Executive Order 110 noong Marso 24 na naglagay sa bansa sa ‘National Energy Emergency Crisis’ upang kagyat na tugunan ang matinding epekto sa ating lahat ng giyera, partikular sa suplay ng krudo at operasyon ng ating transport sector para naman patuloy na tumakbo ang ating ekonomiya.

Tanong: “Pagrespeto” ba kay PBBM at sa kanyang panawagan na lahat ay magtulungan upang malampasan natin ang kasalukuyang krisis ang “pagpipilit” ni Yorme Isko at San Juan Mayor Francis Zamora na ipatupad pa rin ang NCAP sa panahong ito?



Hindi ba ninyo ramdam ang krisis? Dedma lang ba sa inyo ang panawagan ni BBM? Ano bang “meron” dyan sa NCAP at “gigil” kayong maipatupad ito?

“Madisiplina” ang mga drayber? O ang “kaparte” ng inyong LGUs sa bawat “mabibiktima” ng NCAP?

“Nagpapasalamat” naman ang transport sector kay Mayor Wes Gatchalian (Valenzuela), Mayor Joy Belmonte (Quezon City) at Mayor Edwin Olivarez (Parañaque) sa desisyon nilang “suspendihin” ang NCAP.
“Salamat” daw, mga bosing, marunong kayong “magmalasakit” at sumunod” kay Presidente. Sana “all.”